COVID-19 vaccine mixing, advantage sa mga bansang may limitadong supply – Vega

Magiging advantage sa mga bansang may limitadong supply ng COVID-19 vaccines ang mix and match ng iba’t ibang brand ng bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, ang paghahalo ng doses ng Pfizer at AstraZeneca ay kayang magbigay ng matibay na immune response.

Sinabi ni Vega na ang Pilipinas ay nananatiling dependent sa clinical trials na isinasagawa ng World Health Organization (who).


Kapag nagkaroon ng malinaw na rekomendasyon, naniniwala si Vega na maaari itong i-adopt ng national vaccination implementation.

Matatandaang, inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na magsisimula ngayong buwan ang pag-aaral para sa safety at efficacy ng mixing at matching ng limang COVID-19 vaccines.

Facebook Comments