Hindi pa pwedeng gawin sa Pilipinas ang mixing ng COVID-19 vaccines.
Ito ang iginiit ni Vaccine Experts Panel (VEP) member Dr. Rontgene Solante kasunod ng nangyaring accidental COVID-19 vaccine mixing sa Davao at Mandaluyong City.
Paiwanag ni Solante, hindi pa tapos ang pag-aaral ukol dito at wala pang datos ang bansa sa mga posibleng efficacy at adverse effects nito.
Tingin si Solante, maaaring nagkaroon ng lapses sa procedure ng pagbabakuna.
Gayunman, nilinaw niya na isolated case lamang ito dahil istrikto ang ginagawang pagbabakuna sa mga vaccination site.
Facebook Comments