Kinumpirma ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na karamihan sa COVID-19 vaccine na magiging available sa bansa ay mula sa US drug maker na Novavax.
Ayon kay Galvez, nasa 30 hanggang 40 milyong doses ng Novavax ang darating sa bansa.
Kasabay nito, inaasahan ng pamahalaan ang nasa 25-30 million doses mula AstraZeneca habang 25 milyon doses naman sa mga kompanyang Sinovac at Gamaleya.
Patuloy naman ang isinasagawang negosasyon sa mga kompanyang Pfizer at Moderna.
Target ng pamahalaan na simulan sa unang linggo ng Pebrero ang vaccination program sa bansa.
Facebook Comments