Pumasa na sa preliminary review ng mga lokal na eksperto ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng China.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, inendorso ng mga eksperto ng bansa ang Sinovac vaccine matapos ang ginawang pagsusuri kung saan ligtas, epektibo at pasado ito sa isinagawang pag-aaral.
Sinabi pa ni Domingo na nag-aaply na rin ang kompaniya na gumagawa ng Sinovac sa isasagawang clinical trials sa Pilipinas pero kailangan pa nilang magpasa ng iba pang impormasyon sa nasabing bakuna kasama na ang “labeling details” at “translation of related certificates”.
Dagdag pa ni Domingo, aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo ang gagawing pag-aaral sa mga dokumentong ipapasa ng kompanya ng Sinovac at idadaan ito sa regulatory at technical review ng FDA kasama ang ilang grupo ng mga eksperto.
Samantala, ang mga participants naman sa clinical trials at lahat ng sasali ay sinisiguro ng research ethics board na nasa ligtas ang kalagayan at protektado kung saan wala pa naman nakikitang anumang side effects sa isinagawang pagsusuri.
Bukod dito, nire-review na rin ng Philippine panels experts ang iba pang bakuna tulad ng Jansen, Sputnik V ng Russia gayundin ang iba pang ginagamit sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO).