COVID-19 vaccine na ituturok sa batang edad 5-11, posibleng iba ang formulation – FDA

80

Posibleng ibang formulation at mas mababang dose ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer-BioNTech ang ituturok sa mga kabataang edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, hindi ibabakuna sa nasabing age group ang kasalukuyang stock ng Pfizer vaccines dahil kailangan pang magsumite ng manufacturer ng expanded Emergency Use Authorization (EUA).

Kumpiyansa naman si Domingo na ihahain ng Pfizer ang expanded EUA nito para sa mas nakababatang age group sa Disyembre.


Facebook Comments