COVID-19 vaccine na na-deploy sa 1st Quarter ng 2021, nasa 98% na – Galvez

Nasa 98-porsyento na ng kabuoan ng COVID-19 vaccines ang naideploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa unang kwarter ng 2021.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. aabot na sa 1,105,500 vaccines ang naipakalat sa iba’t ibang rehiyon.

Nasa 369,049 health workers na ang nabakunahan.


Aabot sa 400,00 doses ng Sinovac vaccine ang darating sa March 24 habang 979,000 ng AstraZeneca ang darating sa pagitan ng March 24 at 26.

Nasa isang milyong Sinovac doses na nabili ng pamahalaan ang darating sa bansa sa March 29.

Sa second quarter, aabot sa 5.5 million vaccine doses ang darating sa Abril – 1.5 million ay mula sa Sinovac, 3 million mula sa Gamaleya, at isang milyon mula sa COVAX Facility.

Nasa 8.9 million doses ang darating sa Mayo mula sa Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, COVAX at Moderna.

Sa Hunyo, may paparating na 11.5 million COVID-19 vaccines mula sa Sinovac, Gamaleya, Novavax, at AstraZeneca.

Nasa 500,000 hanggang 1 million individuals ang target na mabakunahan ng pamahalaan kada linggo pagsapit ng Abril hanggang Mayo.

Sa ikatlong kwarter, nasa 13.5 million doses ang darating sa Hulyo habang 20 million doses sa Agosto.

Sa Setyembre, may darating na 20 milyong doses.

Pagdating ng 4th Quarter, nasa 60 million COVID-19 vaccines ang inaasahang darating.

Facebook Comments