Hindi susugal ang Department of Health (DOH) na gamitin ang mga COVID-19 vaccines na nadamay sa sunog na nangyari sa Misamis Oriental Provincial Health Office.
Nabatid na aabot sa 30 single dose vials o 30 bakuna ang naapektuhan sa sunog nitong Miyerkules.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na nila gagamitin ang mga bakuna dahil nagbago na ang temperatura nito nang mangyari ang sunog.
Kaya ikinokonsidera nila itong vaccine wastage o mga nasayang na bakuna.
Pero iginiit ni Vergeire na wala naman ginusto ang pangyayari at tiniyak niya na hindi ito makakaapekto sa nagpapatuloy na immunization program.
Facebook Comments