COVID-19 vaccine ng Pfizer, Sinovac at AstraZeneca, unang darating sa Pilipinas- Galvez

Tatlong COVID-19 vaccine ang inaasahang unang darating sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kung saan unang darating ang bakuna mula sa mga kompanya ng Pfizer kasunod ang Sinovac at ikatlo ang AstraZeneca.

Habang sa Pebrero naman inaasahang darating ang bakuna mula sa kompanyang Gamaleya na nagpapatuloy pa rin ng pag-aaral sa efficacy nito.


Sinabi rin ni Galvez na maganda ang direksyon ng pakikipag-usap ng gobyerno sa pitong manufacturer ng mga COVID-19 vaccines.

Sa katunayan ay bukas nakatakdang pirmahan ng pamahalaan ang tripartite agreement para sa bibilhing bakuna sa AstraZeneca.

Samantala, sa ngayon hinihintay na lamang ng Sinovac na matapos ang kanilang clinical trial sa Turkey at Brazil para maipasa na nito ang kinakailangang dokumento sa Food and Drug Administration (FDA) pati na rin ang permisyon para sa pa-export at general use ng kanilang bakuna na magmumula naman sa China.

Facebook Comments