COVID-19 vaccine para sa private sector, posibleng dumating na rin ngayong Mayo

Posibleng dumating na rin ang mga bakuna na na-secure ng private sector ngayong katapusan ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, sinabi nito na posibleng maunang dumating ang AstraZeneca vaccine na binili ng private sectors para sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Cabotaje, kapag dumating na sa bansa ang mga bakuna ay agad na magsasagawa ng roll-out ang private sector, batay sa priority list ng pamahalaan at sa ilalim ng national Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at Department of Health.


Buwan ng Marso nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vaccine Czar Sec. Calito Galvez Jr., ang pagfast-track sa mga bakunang bibilhin ng pribadong sektor.

Facebook Comments