COVID-19 vaccine, pinapababa ang transmission ng Delta variant ng hanggang 40%… Publiko, dapat pa ring mag-ingat ayon sa WHO

Nasa 40% lamang ang aabuting proteksiyon ng mga bakuna kontra COVID-19 para maiwasan ang transmission ng Delta variant.

Ayon kay WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, orihinal na 60% ang nababawas sa transmission ng virus kung nababakunahan ang isang indibidwal.

Pero lalo pa itong bumababa sa 40% kung sa Delta variant nahahawa ang tao.


Dahil dito, muling pinayuhan ang WHO na huwag magpakampante at sumunod pa rin sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at hindi pagtungo sa mga matataong lugar kahit nabakunahan na.

Sa Europe, pangunahing dahilan ang Delta variant sa muling pagtataas ng kaso kung saan nakakapagtala ito ng 2.4 million new cases kada linggo.

Muli ring naging episentro ang Europe ng virus na siyang dahilan ng muling pagpapatupad ng malawakang lockdown sa Slovakia, Germany, Czech Republic, Austria, United Kingdom, at iba pa pang bansa sa rehiyon.

Facebook Comments