COVID-19 vaccine, posibleng iturok kada taon

Maaaring kada taon ituturok ang COVID-19 vaccine.

Pahayag ito ni Philippine Medical Association President Dr. Benito Atienza.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Atienza na ito’y tulad ng flu vaccine na kada taon ibinabakuna upang magkaroon tayo ng proteksyon mula sa sipon at trangkaso.


Pero paliwanag nito, nakadepende parin ito sa mga eksperto na gumagawa ng bakuna at dedepende rin sa magiging resulta pagkaraan ng pandemya.

Ang tanong kasi aniya dito ay kung mawawala na ba ang COVID-19 kung ang lahat ng tao ay naturukan na ng bakuna o magkakaroon ulit ng panibagong variant.

Posible rin kasi aniyang magkaroon o maka-develop na ng anti-COVID-19 na ituturok sa isang specific variant.

Facebook Comments