COVID-19 vaccine priority list ng pamahalaan, pinarerebisa ng ilang eksperto

Pinarerebisa ng ilang experto ang priority list ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Foundation for Vaccination Director Dr. Lulu Bravo, ipinanukala nito na dapat nang magpulong ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at Vaccine Expert Panel upang ayusin ang priority list ng mga babakunahan.

Paliwanag ni Bravo, dapat nang bigyang-daan ang mga may gustong magpabakuna na wala sa listahan lalo na’t ang iba na nasa priority list ay ayaw o hindi naman nagpapabakuna.


Sa pamamagitan nito aniya ay mapapabilis ang vaccination program ng pamahalaan at madaling maabot ng bansa ang herd immunity.

Samantala, itinuturing naman na good news ni Bravo sakaling magtambal sa isang infomercial sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo lalo na’t hindi dapat mahaluan aniya ng pulitika ang kalusugan ng mamamayan.

Facebook Comments