COVID-19 vaccine recipients na nakaranas ng adverse effects, nasa isang porsyento lamang – FDA

Kakaunti lamang ang mga indibiduwal na nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccines na nakaranas ng side effects.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, hindi lalagpas sa isang porsyento ng vaccine recipients ang nagkaroon ng adverse events.

Mayorya ng side effects na naranasan ng mga naturukang indibiduwal ay hindi naman sersyoso.


Sa datos ng FDA, aabot sa 47,897 adverse events ang naitala mula sa 11,708,029 individuals na nakatanggap ng COVID-19 vaccines mula nitong July 4.

Mula sa nasabing bilang, 46,826 ang non-serious habang 1,071 ang serious ang adverse event.

Karaniwang side effects na nararanasan pagkatapos mabakunahan ay pananakit ng ulo, pananakit sa lugar kung saan isinaksak ang bakuna, pagkahilo, pagtaas ng blood pressure.

Samantala, patuloy na irerekomenda ng FDA ang paggamit ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccines.

Ito ay sa kabila ng ulat na idinagdag ng US FDA ang neurological condition na Guillain-Barre syndrome (GBS) sa listahan ng potensyal side effects.

Sa punto naman ng Vaccine Experts Panel, ang mga bakuna para sa flu, meningococcal vaccines, at tetanus vaccines ay nauugnay din sa GBS.

Anila, ang US FDA ay hindi pa nae-establish kung ang COVID-19 vaccines ay nagdudulot ng naturang neurological implication.

Ang National Adverse Events Following Immunization Committee ang maaring sumilip sa usaping ito.12

Facebook Comments