Pinapatiyak ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na agad magamit ang mga bakuna laban sa COVID-19 bago ma-expire ang mga ito.
Ayon kay Villanueva, hindi dapat masayang ang mga bakuna at kung kinakailangan ay iturok agad sa next priority group tulad ng mga essential workers.
Giit ni Villanueva, bukod sa healthcare workers ay dapat ikonsidera din ang frontline health workers sa pila ng mga pangunahing mababakunahan.
Paliwanag ni Villanueva, ang mga manggagawa na nagbibigay ng essential services ay nanganganib din mahawaan ng sakit habang nagtatrabaho.
Pangunahing inihalimbawa ni Villanueva ang mga tsuper ng pampublikong transportasyon tulad ng bus, van, taxi at jeep, maging ang mga rider na naghahatid ng pagkain at iba pang pangangailangan tulad ng grocery.
Ipinunto ni Villanueva na kung walang transportation ay sino ang maghahatid sa mga nurse sa ospital, cashier sa grocery store, pharmacist sa drugstore at sino rin ang magde-deliver ng pagkain o grocery kung walang mga rider?