Wala pang nilalagdaan ang Pilipinas na supply agreement sa alinmang COVID-19 vaccine manufacturers.
Sa pagdinig ng Senate Finance Committee na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nagpapatuloy pa rin kasi ang negosasyon para sa supply agreement lalo na sa Sinovax, Covovax, Moderna at AstraZeneca.
Tugon naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, nangangahulugan lamang na wala pang matibay na commitment na darating ang mga bakuna sa bansa.
Paliwanag ni Galvez, mayroong mga term sheets na may initial agreements para sa pagbili ng bakuna.
Dito naselyuhan ang nasa 108 million doses ng COVID-19 vaccines.
Ang Sinovac shipment ay darating sa February 23, at magkakaroon ng technical inspection ng mga bakuna sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw na susundan ng vaccination.
Pero depende pa rin aniya ito sa ilalabas na Emergency Use Authority (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Ang mga bakunang nakatakdang dumating sa bansa ay ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na hindi kailangan ng supply agreement dahil donasyon ito ng China.