COVID-19 vaccine trial ng Johnson & Johnson, muling ipinagpatuloy

Muling ipinagpatuloy ng Johnson & Johnson ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccine trials.

Ito ang nilinaw ni Dr. Butch Ong ng UP OCTA research team kasunod ng mga ulat na itinigil ng kompanya ang kanilang trial dahil sa hindi maipaliwanag na pagkakasakit ng isang study participant.

Ayon kay Ong, itinuloy ng Johnson & Johnson ang trial matapos madiskubreng walang kinalaman sa bakuna ang naranasang spinal cord complication ng participant.


September 23 nang simulan ng Johnson & Johnson na mag-enroll ng mga volunteer para sa kanilang Phase 3 COVID-19 vaccine clinical trial.

Target ng researchers na makapag-enroll ng 60,000 paticipants sa Amerika at iba pang mga bansa.

Facebook Comments