COVID-19 vaccine tripartite Agreement sa Moderna at Razon Group, pinirmahan na ni Vaccine Czar Galvez

Nilagdaan na ng pamahalaan at ng pribadong sektor ang tripartite agreement sa American biotechnology company na Moderna.

Ito ay para sa pagbili ng 20 million doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., pinirmahan na niya ang kasunduan sa parte ng gobyerno at si Enrique Razon naman para sa parte ng pribadong sektor.

Mula sa nasabing bilang ng bakuna, pitong milyong doses ang ilalaan sa private sector.

Nagpasalamat si Galvez kay Razon at kay Philippine envoy to Washington Jose Manuel Romualdez sa pagtulong na makabili ng bakuna.

Samantala, inanunsyo ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na makakatanggap ang pribadong sektor ng million doses ng COVID-19 vaccine ng India na Covaxin sa susunod na buwan.

Gayumpaman, ang bakuna na gawa ng Indian firm na Bharat Biotech ay wala pang emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments