COVID-19 vaccine wastage, ibinabala ng isang health expert

Nagbabala ang isang eksperto ng posibleng COVID-19 vaccine wastage dahil sa mga recipients nito na mabibigong magpakita sa itinakdang araw ng kanilang pagpapabakuna.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, infectious disease specialist sa San Lazaro Hospital, napakahalaga ng bawat dose ng bakuna.

Para maiwasang masayang, iminungkahi niya na maghanda ng backup recipients na naka-stand-by sakaling hindi dumating ang receiver ng COVID-19 vaccine.


Kada vial ng bakuna ay maaari aniyang magamit sa apat hanggang limang tao.

Una nang inatasan ng Department of Health ang mga inisyal na vaccination sites na maghanda ng “quick substitution list” sakaling hindi sumipot ang recipients ng bakuna.

Facebook Comments