Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) na hindi maaaring ibenta ang COVID-19 vaccine sa publiko.
Giit ni FDA Director General Eric Domingo, ang mga bakunang ginagamit sa mga public at private hospital na galing ng Department of Health (DOH) ay hindi pwedeng isingil sa mga pasyente.
Dapat lamang aniya na ibigay ang mga bakuna ng libre.
Ang emergency use authorization (FDA) na ipinagkaloob sa mga COVID-19 vaccines ay iba sa Certificate of Product Registration.
Facebook Comments