COVID-19 vaccines, ipapadala ng mga sundalo sa mga malalayong lugar ayon kay Pangulong Duterte

Handa ang pamahalaan na gamitin ang lahat ng assets nito, kabilang ang mga military aircraft para dalhin ang mga COVID-19 vaccines sa mga malalayong lugar sa bansa.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units (LGUs) na abisuhan agad sila ng maaga kung mayroon silang cold storage facilities para sa mga bakuna.

Mahalaga aniya ang maayos na cold storage facility para matiyak ang integridad ng mga bakuna.


Sinabi rin ni Pangulong Duterte na handa ang mga sundalo para sa vaccine delivery basta mayroon silang mga pasilidad para mapanatili ang bisa ng mga gamot.

Ang bansa ay mayroong higit 17.4 million doses ng COVID-19 vaccines, kasama ang mga dumating na 1 million Sinovac doses kahapon at 249,600 doses ng Moderna vaccines noong Linggo ng gabi.

Facebook Comments