Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na hihingan nila ng Halal certification ang mga COVID-19 vaccine makers.
Kasunod ito ng pangamba ng Bangsamoro Region leaders na kailangang mayroong Halal certification ang COVID-19 vaccines na batay sa depinisyon ng National Commission on Muslim Filipinos ay food at non-food products na ligal kainin.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hiningi nila ang Halal certification ng mga nag-a-apply na pharmaceutical firms.
Aniya, ang Pfizer-BioNTech ay kumukuha na ng Halal cetification habang ang AstraZeneca naman ay mayroon nang sertipikasyon na walang animal product o animal source ang kanilang bakuna pero kumukuha na rin ng Halal certification.
Paliwanag pa ni Domingo, naka-secure na ng Halal certification ang Sinovac pero hindi pa tapos ang FDA sa pag-review ng human trials ng bakunang gawa ng Chinese firm na noong January 19 lamang nila isinumite.