Inaasahang aabot sa kabuuang 171 million doses ng COVID-19 vaccines ang matatanggap ng Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, higit ito sa kinakailangan upang mabakunahan ang kabuuang adult population sa bansa.
Kaugnay nito, hindi na rin aniya kailangang problemahin ang pambili ng mga bakuna dahil may nakalaan na para dito sa buong 2021.
Para naman sa susunod na taon, nagpulong na aniya sila ni Budget Secretary Wendel Avisado at Health Secretary Francisco Duque III para sa karagdagang ₱45 billion na pondo sa pagbili ng mga bakuna.
Facebook Comments