COVID-19 vaccines na na-acquire ng PH, umabot na sa 162 million doses – Galvez

Umabot na sa 12,826,099 COVID-19 vaccine doses ang stockpile ngayon ng bansa.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, sapat ito para maabot ang average na 400,000 jabs kada araw sa loob ng 32 araw.

Ibig sabihin, ang vaccine supply ng bansa ay magtatagal ng hanggang August 17.


Sa ngayon, aabot na sa 27,922,360 COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng Pilipinas mula noong Marso.

Aabot sa 136.1 million doses ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na anim na buwan.

Sinabi ni Galvez na ang mga bakuna ay ide-deploy sa mga lugar na may mataas na banta ng Delta variant, kabilang na rito ang Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Kaugnay nito, ang pamahalaan ay lumagda sa isang kontrata sa COVAX para sa pagbili ng karagdagang 5 million doses ng single-shot Johnson & Johnson vaccine.

Sa kabuoan, ang Pilipinas ay nakakuha na ng 164 million vaccine doses at binubuo ito ng sumusunod:

• Pfizer-BioNTech (40 million doses)
• Sinovac (26 million doses)
• Moderna (20 million doses)
• AstraZeneca (17 million doses)
• Sputnik V (10 million doses)
• COVAX donation (44 million doses)
• Johnson & Johnson (5 million doses)
• Donasyon mula sa Japan at China (2 million doses)

Facebook Comments