COVID-19 vaccines na nagamit sa bansa, umabot na sa higit 15 milyon

Umabot na sa 15,096,261 ang bilang ng mga naiturok na COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ay batay sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang noong July 18, 2021.

Sa nasabing bilang, 10,388,188 ang nabigyan ng first dose kung saan 1,884,059 ay mga health worker; 2,760,074 mga senior citizen; 3,440,132 ay persons with comorbidities; 1,943,672 ay essential workers at 360,251 ay indigents.


Nasa 4,708,073 naman ang naturukan ng second dose kabilang ang 1,312,167 na health workers; 1,197,270 ay senior citizens; 1,578,807 ay persons with comorbidities; 449,252 ay essential workers at 170,577 ay indigents.

Nasa 271,426 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang lahat na magpabakuna na at nagpaalala sa mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

Facebook Comments