COVID-19 vaccines, nananatiling mabisa laban sa bagong variant

Iginiit ng isang infectious disease expert sa bansa na wala pang datos na nagpapatunay na ang bagong varian ng coronavirus ay nakakaapekto sa bisa ng mga kasalukuyang bakunang ginagamit sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Dr. Rontnege Solante, kailangan pa ng karagdagang datos para malaman kung ang bagong variant na nakapasok na sa Pilipinas ay mababawasan ang kakayahan ng mga bakunang protektahan ang mga tao mula sa impeksyon.

Paliwanag ni Solante, ang bagong COVID-19 variant ay nagkaroon lamang ng mataas na transmissibility o mabilis na nakahahawa.


Babala niya, maaaring magresulta ito sa paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

Pinayuhan ni Solante ang pamahalaan na higpitan ang pagpapatupad ng minimum health standards at palakasin ang surveillance para sa posibleng local transmission.

Facebook Comments