COVID-19 vaccines, nananatiling mabisa laban sa variants

Tiniyak ng isang eskperto na mabisa pa rin ang mga bakuna kontra COVID-19 na ginagamit ng bansa laban sa mga variant ng COVID-19.

Sa interview ng DZXL 558 RMN Manila, sinabi ni Department of Science and Technology – Vaccine Expert Panel (DOST-VEP) Head Dr. Nina Gloriani na nananatili ang proteksyon laban sa severe disease ng isang taong fully vaccinated laban sa Delta COVID-19 variant.

Gayunman, posible pa rin aniyang makaranas ng severe case ang mga taong may comorbidities kapag tinamaan ng Delta variant base na rin sa naranasan sa ilang bansa.


Sabi pa ni Gloriani, kasalukuyan pang pinag-aaralan ang bisa ng Sinovac, Gamaleya, Sinopharm, Janssen, at Moderna laban sa Delta variant.

Una nang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16 na kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

Ang Delta variant na unang nadetect sa India ay kayang makapanghawa ng lima hanggang 8 indibidwal.

Facebook Comments