COVID-19 vaccines ng Johnson & Johnson, aprubado na ng WHO; Paggamit ng AstraZeneca, hindi ititigil

Inaprubahan ng World Health Organization (WHO) para sa emergency use ang COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson.

Una nang pinahintulutan para sa emergency use ang Pfizer-BioNTech at Oxford-AstraZeneca.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang mga bago, ligtas at epektibong paraan laban sa COVID-19 ay hakbang tungo sa pagkontrol ng pandemya.


Iginiit naman ni WHO Spokesman Margaret Harris na walang dahilan para ihinto ang paggamit ng AstraZeneca sa kabila ng pagsuspinde ng ilang bansa sa rollout nito.

Aniya, wala pang nakikitang batayan na konektado ang bakuna sa blood clot.

Binubusisi na ng kanilang vaccine advisory committee ang mga pumapasok na safety data.

Facebook Comments