COVID-19 variant, maaaring nakapasok na sa Pilipinas – OCTA

Naniniwala ang isang miyembro ng OCTA Research Team na maaaring nakapasok na sa Pilipinas ang bago at nakahahawang COVID-19 variant.

Ito ay dahil sa huli na para ito ay ma-detect, at maluwag na border control sa bansa.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang bagong variant ay nakapasok na sa ilang bansa sa Asya kaya hindi rin malayong nakapasok na rin ito sa Pilipinas.


Ang bagong variant ay magpapataas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahil mas nakahahawa ito.

Pero kailangang mailabas ng mga eksperto ang resulta ng genome sequencing para malaman kung nakapasok na ito sa bansa.

Sa ngayon, ang kasalukuyang healthcare system sa bansa ay kakayanin pa ang COVID-19 situation pero kailangang maagapan ang tumataas na trend.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng ilabas ng Philippine Genome Center (PGC) ang resulta nito ngayong linggo.

Facebook Comments