COVID-19 variant mula sa India, hindi pa nakakapasok sa Pilipinas – DOH

Hindi pa nade-detect sa Pilipinas ang B.1.617 COVID-19 variant na unang nadiskubre sa India.

Nabatid na nagpatupad ang Pilipinas ng temporary ban sa mga biyahero mula sa India na magtatagal hanggang May 14.

Pero sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang mga pasaherong mayroong travel history sa nasabing bansa ay kailangang i-monitor at mag-quarantine.


Aniya, walang variant cases na natagpuanb sa reevaluation ng lahat ng samples na dumaan sa genome sequencing.

Dagdag pa ni Vergeire, pinaiigting ang border control para hindi makapasok ang variant sa bansa.

Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na ire-repatriate ang mga Pilipino doon kapag nakuha na ang mga clearances at kapag binawi na ang travel ban.

Facebook Comments