COVID-19 variant na nadiskubre sa India, ‘under investigation’ pa lamang – DOH

Itinuturing pa lamang na variant under investigation (VUI) at hindi variant of concern (VOC) ang B.1.6.17 variant o ang COVID-19 variant na unang na-detect sa India.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakabatay ito sa technical definitions na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Nag-isyu na ang DOH ng paglilinaw patungkol sa mga misleading na headline kung saan sinasabing hindi ipapatupad ang travel ban dahil hindi ikinokonsidera ni Health Secretary Francisco Duque na ‘important matter’ ang variant.


Nilinaw ni Duque sa isang interview na habang umiiral ang kasalukuyang travel restrictions para sa mga dayuhan, ang travel restrictions para sa returning overseas Filipinos ay pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force.

Nang tangungin patungkol sa characteristics ng variant, sinagot ni Duque na ang Indian variant ay hindi pasok sa criteria ng WHO para ituring itong variant of concern.

Sa kabila nito, patuloy na babantayan ng DOH ang variant, kasama ang iba pang variants.

Facebook Comments