Pinag-aaralan na ng Public Health of England (PHE) ang uri ng variant ng COVID-19 na naitala sa naturang bansa na una nang nadiskubre sa Pilipinas.
Ayon sa PHE, nakapagtala ang England ng dalawang kaso ng P.3 COVID-19 variant kung saan ang isa ay may international travel habang ang isa ay patuloy pang beneberipika.
Ang P.3 variant ay itinuturing bilang “Variant Under Investigation” (VUI) at hindi “Variant Of Concern” (VOC).
Tiniyak naman ng PHE na patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon katuwang ang kanilang international partners.
Facebook Comments