COVID-19 variant na nakita sa Pilipinas, na-detect din sa apat na bansa

Kinumpirma ng health expert ng University of the Philippines (UP) Manila na ang P.3 – ang bagong coronavirus variant na unang nadiskubre sa Pilipinas ay na-detect din sa iba pang bansa.

Ayon kay UP National Institute of Health Executive Director Dr. Eva Maria Cutiongco-Dela Paz, ang P.3 variant ay na-detect din sa Germany, United Kingdom, Japan at Australia.

Nasa 104 samples na na-sequence ng Philippine Genome Center (PGC) ay mayroong P.3 variants.


Karamihan sa P.3 variant ay natunton sa Central Visayas at National Capital Region.

Sinabi ni Dela Paz na kailangang magkaroon ng mataas na anti-bodies para mapigilan ang infection.

Ang presensya ng bagong variants ay isa lamang sa dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments