Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang variant of global concern ang COVID-19 variant na unang na-detect sa India.
Ayon kay WHO Technical Lead on COVID-19 Maria Van Kerkhove, ang B.1.617 variant ang ika-apat na variant na inilagay sa global concern matapos ang naitala sa United Kingdom, South Africa at Brazil.
Lumalabas aniyang mas nakakahawa ito kumpara sa mga naunang COVID-19 variants na itinuturong dahilan din sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa India.
Sa kabila nito, nangangailangan pa rin aniya ng mas masusing pag-aaral ukol sa Indian COVID variant para matukoy kung gaano na ito kalaganap sa buong mundo.
Facebook Comments