COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas, opisyal na tatawaging “Theta” – WHO

Opisyal na binigyan ng pangalan ng World Health Organization (WHO) ang P.3 variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa Pilipinas.

Ang WHO ay gagamit ng Greek alphabets para pangalanan ang iba’t ibang COVID-19 variants.

Sa anunsyo ng Philippine Genome Center (PGC), ang P.3 variant ay tatawing “Theta”.


Ang bagong sistema ng WHO ay ipapatupad sa lahat ng variants of concern (VOC) at variants of interest (VOI).

Ang P.3 ay unang na-detect sa Pilipinas noong Enero at nananatiling VOI.

Ang VOI ay mga variant na nagdudulot ng transmission, multiple COVID-19 cases o clusters, at na-detect sa ilang mga bansa.

Ang VOC naman ay ang variant na nagdudulot ng pagtaas sa transmissibility o pagbabago sa COVID-19 epidemiology, pagtaas sa virulence o pagbabago sa clinical disease presentation, at pagbaba o paghina ng pagiging epektibo ng public at social measures o available diagnostics, bakuna at therapeutics.

Sa ngayon, mayroong apat na VOCs sa mundo:

– B.1.1.7 – UK variant – “Alpha”
– B.1.351 – South African variant – “Beta”
– P.1 – Brazilian variant – “Gamma”
– B.1.617.2 – Indian variant – “Delta”

Mula nitong May 29, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 162 cases ng P.3 o Theta variant

Facebook Comments