COVID-19 variant, “new monster” ayon kay Pangulong Duterte

75

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kasunod na pagpasok ng bagong COVID-19 variant sa bansa.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, tinawag ni Pangulong Duterte na “new monster” ang bagong variant.


Ipinanalangin din niya na hindi mabagsik at mapanganib ang bagong virus strain.

Tiniyak ng Pangulo na pinaigiting na ang testing, tracing at quarantine measures para mapigilan ang pagkalat nito.

Tututukan ng Department of Health (DOH) ang bagong kaso para matiyak na hindi na ito kumalat pa.

Mahalaga rin aniyang matunton ang close contacts ng pasyente dahil ang testing at quarantine ng mga ito ay para din sa kanilang ikabubuti at ng iba pang tao.




Facebook Comments