COVID-19 walang epekto sa Revenue Collection ng pamahalaan

Wala pang nakikitang epekto ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa tax revenue collection ng pamahalaan sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni BIR Collection Service, Head Revenue Executive Assistant Rosario Padilla na as of March 10, nasa PHP332,528,000 pesos ang revenue collection na nalikom ng BIR.

Mas mataas pa aniya ito kumpara sa PHP320,000,000 na nakolekta ng kanilang tanggapan noong marso, 2019.


Sa kasalukuyan, wala pa rin aniyang projection ang bir kung makakaapekto sa target revenue collection nila ngayong 2020 ang COVID-19.

Bagamat isa rin ito sa kanilang mga ikino- konsidera, sa kasalukuyan ay mas nakatutok aniya sila sa pagpapadali ng mga proseso at pagbabayad ng buwis ng mga tax payers sa gitna na rin ng isyu sa COVID-19

Facebook Comments