COVID-19 Wards ng PGH, lumagpas na sa capacity; 40 PGH personnel, kabilang sa naka-confine

Kinumpirma ng Philippine General Hospital (PGH) na lumagpas na sa kapasidad ang kanilang COVID-19 wards at Intensive Care Unit (ICU).

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, sa ngayon ay mayroon na silang 211 COVID patients.

Ito aniya ay lagpas sa kanilang kapasidad na 210 beds para sa COVID patients.


Sinabi ni Dr. del Rosario na ang mild COVID patients na dinadala sa PGH ngayon ay pansamantala nilang dinadala sa isolation facilities at COVID-19 referral hospitals para mabigyang prayoridad ang mga nasa emergency room.

Kinakapos na rin aniya sila ngayon sa medical staff lalo na’t 40 sa PGH employees at medical staff ang naka-confine rin sa kanilang pagamutan dahil COVID-19.

Gayunman, karamihan aniya sa PGH personnel na may COVID ay mild cases lamang at malapit na rin silang ma-discharge.

Facebook Comments