Handa nang tumanggap ng pasyente ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 ang San Juan City Medical Center.
Dahil ngayong araw pormal ng binuksan ang COVID-19 wards ng nasabing ospital na tinawag nila na “Charlie Ward”.
Ito ay mayroong 17 isolation rooms at 13 beds para sa mga lalaki at 9 beds naman para sa mga babae.
Maliban dito, mayroon din ito special delivery room para COVID-19 patients at persons under investigation o PUIs na manganganak.
Ayon kay San Juan City Mayor Francisco Zamora, ito ang kanilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanyang lungsod.
Kaya naman, aniya, ay umaasa siyang matutugunanan na ang lahat ng pasyente na apektado ng nasabing virus na mga residente sa kangyang lungsod.
Iginiit ng alkalde na ipatutupad ang zero-billing policy sa San Juan Medical Center sa mga pasyente ng COVID-19 na residente ng San Juan.