COVID bed utilization sa Bicol, 12.1% na lamang

50

12.1% na lamang ang COVID-19 bed utilization rate sa Bicol Region.

Ayon sa Department of Health (DOH)-Region 5, nangangahulugan ito na sa halos 900 na COVID-19 beds sa Bicol Region, mahigit 107 lamang ang ginagamit sa ngayon.

Sa kabuuang 75 ICU beds naman sa buong rehiyon, 8 lamang ang okupado.


Habang sa kabuuang 111 na mechanical ventilators, 7 lamang dito ang ginagamit ngayon ng COVID-19 patients.

Facebook Comments