COVID cases sa bansa, halos 364,000 na

51

Umabot na sa 363,888 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ang active cases dito ay 44,772.

Nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng bagong 1,664 na kaso.


843 naman ang nakarecover kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19 ay 312,333.

38 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 6,783.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na panibagong overseas Filipinos na na-infect at nasawi sa COVID-19.

Bunga nito, ang total cases ay 11,186 habang ang total deaths ay nananatili sa 815.




Ang active cases naman ay 3,123.

Apat na Pinoy naman ang gumaling sa nasabing sakit kaya ang total recoveries na sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 7,248.

Facebook Comments