COVID cases sa bansa, mahigit 200 thousand na; DFA, muling nakapagtala ng development sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

Mula sa mahigit 197,000 kahapon, pumalo na ngayon sa 202,361 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 5,277 cases.

Naitala naman ng Department of Health (DOH) ang active cases sa 65,764.


1,131 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay nasa 133,460.

99 naman ang panibagong namatay sa COVID sa bansa kaya ang total deaths ngayon ay 3,137.

Samantala, muling nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng development sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Ito ay matapos na wala uling Pinoy na namatay sa ibayong dagat dahil sa nasabing sakit.

47 din ang mga Pinoy na gumaling sa COVID mula sa Asia and the Pacific at Europe.

Habang 7 lamang ang naitalang panibagong kaso ng nasabing sakit sa hanay ng mga Pinoy.

Sa ngayon, ang kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino mula sa 73 na mga bansa ay nasa 10,035 kung saan ang active cases ay nasa 3,217.

Ang total recoveries ay 6,076 at ang total deaths ay nananatili sa 742.

Facebook Comments