Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga aktibong COVID-19 cases sa Mababang Kapulungan.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, hanggang nitong July 19 ay nasa 46 na lamang ang aktibong kaso ng sakit sa House of Representatives (HOR).
Naniniwala naman ang mambabatas na posibleng mas mababa pa sa naturang bilang ang totoong kaso ng sakit.
May ilan aniya sa mga tinamaan ng COVID-19 ang hindi pa nakapagsusumite ng clearance nang kanilang paggaling sa Department of Health (DOH) kaya hindi pa sila maaalis sa listahan ng kanilang active cases.
Inaasahan naman na sa ikatlong linggo ng Agosto masisimulan ang pagpapabakuna sa Kamara gamit ang binili nitong mga bakuna.
Batay kasi aniya sa abiso ng supplier, sa ikalawang linggo ng Agosto darating ang 60,000 doses na inorder na Novavax.