COVID cases sa NCR, patuloy ba bumababa bagama’t mataas pa rin ang naitatalang kaso kada araw

COVID cases sa NCR, patuloy ba bumababa bagama’t mataas pa rin ang naitatalang kaso kada araw

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, maging ng COVID patients na na-a-admit sa mga ospital.

Ito ay bagama’t mataas pa rin ang naitatalang mga bagong kaso ng infection kada araw sa buong bansa.


Sinabi ng DOH na sa ngayon ay nasa moderate risk case classification na lamang ang National Capital Region (NCR).

Ito ay mula sa critical risk nitong January 4 hanggang 21.

Kinumpirma rin ng DOH na 4.68 na beses na mas mababa ngayon ang average na bilang ng naitatalang kaso, kumpara noong January 8 hanggang 14.

Habang ang average na bilang ng mga na-oospital ay bumaba na sa 4,378 mula sa 6,204.

Gayunman, sa kabuuan ay 3,662 na average na kaso pa rin ang naitatala sa buong bansa kada araw, mula sa mahigit isang libo bago ang Omicron variant wave.

Facebook Comments