COVID cases sa NCR, tumaas ng 5% – OCTA

Muling tumaas ng 5% ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1.

Batay sa OCTA Research Group, nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng average 686 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa nasabing mga petsa.

Tumaas din ang reproduction number o bilis ng hawaan sa NCR sa 0.82 at may positivity rate na 6%.


Nasa 36% naman ang hospital bed occupancy, 44% ang Intensive Care Unit (ICU) bed occupancy at 30% ang mechanical ventilator occupancy na nananatili sa safe levels.

Ang Pateros, Malabon at Navotas ang mga lungsod na may pinakakaunting naitalang bagong kaso ng COVID-19 na umaabot lamang sa 10 pababa.

Facebook Comments