COVID-free barangay sa Pasay, umabot na sa 174

Nakapagtala na ang pamahalaang lokal ng Pasay ng 174 barangay na COVID-free na.

Sa ulat ng Pasay City Information Office, ilan sa mga barangay sa Pasay na COVID-free na ay ang barangay 1, 3, 4, 5, 6, 8, 9, 11, 12, 13, 15 at 16.

Pero ngayong araw, may isang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pasay kaya umabot na sa kabuaang 14,533 ang COVID cases sa lungsod, 46 dito ay mga active cases.


Nadagdagan naman ng 6 ang mga gumaling sa sakit ngayong araw kaya umabot na sa 14,097 ang recoveries.

 

Facebook Comments