COVID isolation facilities, babantayan ng barangay officials sa araw ng halalan

Kinumpirma ng Commission on Election (COMELEC) na ngayon pa lang ay nakabantay na ang barangay officials sa isolation facilities at sa mga bahay na mayroong nagpositibo sa COVID-19.

Layon nito na matiyak na hindi makakalabas ng isolation facilities ang mga COVID positive sa araw ng halalan.

Hindi kasi papayagan ng COMELEC na makaboto ang mga nagpositibo sa infection.


Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, sa ilalim ng Republic Act 11332 at sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), hindi maaaring makalabas ng bahay o isolation facilities ang mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Pero ang mga may COVID-19 na hindi naka-isolate at nasa mga presinto na ay maaring makaboto.

Facebook Comments