COVID Mass Vaccination, posibleng sa kalagitnaan ng 2021 pa maisasagawa

Posibleng sa Hunyo o Hulyo pa ng susunod na taon magsisimula ang mass vaccination sa milyun-milyong mga Pilipino laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan sa mga supplier ng bakuna sakaling mas mapaaga ang availability ng vaccines.

Matatandaang noong Biyernes, lumagda ang pamahalaan, private sector, at manufacturer na AstraZeneca sa isang tripartite agreement para sa access sa COVID-19 vaccines.


Sa ilalim ng unang supply deal ng bansa, naka-secure ang Pilipinas ng 2.6 milyong shots ng potential COVID-19 vaccine ng nasabing manufacturer.

Facebook Comments