COVID patients na naoospitall dahil sa kritikal na kalagayan, bumaba mula pa noong Enero

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagbaba ng mga naoospital na COVID-19 patients na nasa severe at kritikal na kalagayan.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula sa halos 2,000 na admissions sa mga ospital noong kalagitnaan ng Enero, bumaba na lamang ito sa 805.

Habang sa mga lalawigan naman ay pawang nasa low risk na ang health systems capacity.


Nilinaw naman ni Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvaña na hindi pa nila masabi kung may pangangailangan na magkaroon ng taunang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito aniya ay depende pa rin sa sitwasyon at kung mayroong magsusulputang variants ng COVID-19.

Sa ngayon, 65.2 million na ang mga nabakunahan sa bansa at 11.6 million dito ang nakatanggap na ng booster dose.

Facebook Comments