COVID Positivity rate sa bansa, 3.8% na lang

Bumaba pa sa 3.8% ang positivity rate sa Pilipinas.

Ito na ang pinakamababang positivity rate na naitala sa bansa simula noong Disyembre 26, 2021.

Kahapon, Marso 5, nasa 941 na lamang na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.


Sa nasabing bilang, 89% o 833 ang naitala sa loob ng nakalipas na 14 araw kung saan pinakamarami ay mula sa Metro Manila na nasa 223; Calabarzon, 124 at Central Visayas, 80.

Dahil dito, umakyat na sa 3,666,678 ang kabuunang kaso ng COVID-19 sa bansa pero 1.3 percent na lamang nito o 49,374 ang nananatiling aktibo.

Nasa 44,586 na aktibong kaso ay mild; 2,736 ang moderate; 1,344 ang severe; 416 ang asymptomatic at 292 ang kritikal.

Nadagdagan naman ng 1,784 ang bilang ng mga gumaling para sa kabuuang 3,560 425.

Habang 56,879 na ang mga nasawi dahil sa virus matapos na madagdagan ng 109.

Facebook Comments