Nilagdaan na ni outgoing US President Donald Trump ang COVID Relief Bill na nakalaan sa pagbibigay ng financial aid sa mga residente nitong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ito ay sa kabila ang ng ilang linggong pagtanggi ni Trump na pirmahan ang $2.3 trillion halaga ng nasabing panukala.
Ayon kay Trump, dahil dito ay maibabalik na ang unemployment benefits, pagbibigay ng rental assistance sa kanilang mga residente at pagdaragdag sa pondo ng pamahalaan para sa pamamahagi ng bakuna kontra-COVID-19.
Samantala, sinabi naman ni White House Deputy Press Secretary Judd Deere na ipinag-utos na ni Trump na tanggalin sa nasabing panukala ang mga ‘wasteful items’ dahil masasayang lamang ang nakalaang pondo dito.
Facebook Comments